MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang Japanese Embassy sa Maynila kay
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay ng pagpapa-deport sa apat na pugateng Hapon na wanted sa nasabing bansa dahil sa pagiging utak ng mga nakawan doon.
“I would like to extend my heartfelt gratitude for your utmost understanding and steadfast cooperation in the deportation of the four suspected Japanese nationals,” sinabi ni Ambassador Koshikawa Kazuhiko.
Nitong Martes at Miyerkules, Pebrero 7 at 8, ipinatapon na ng pamahalaan ang mga pugante na sina Toshiya Fujita, Kiyoto Imamura, Tomonobu Saito, at Yuki Watanabe pauwi sa Japan.
“I am certainly looking forward to furthering our close ties in order to holistically deepen, strengthen, and enhance Philippine-Japan relations in all aspects,” ani Koshikawa.
Kasabay nito, nasa Japan naman para sa five-day official visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nauna nang sinabi na hindi pag-uusapan ang kasong ito sa kanyang pagbisita roon. RNT/JGC