Home NATIONWIDE Japanese national na wanted sa pagnanakaw, arestado ng BI

Japanese national na wanted sa pagnanakaw, arestado ng BI

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong theft.

Kinilala ng BI ang pugante na si Saito Shimoeda na may outstanding arrest warrant sa Japan dahil sa pagiging sangkot nito sa large-scale telecom fraud group.

Ayon sa BI, naaresto si Shimoeda habang papasakay ng international flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal nitong Huwebes.

ayon naman kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang insidente ay magsisilbing babala sa mga dayuhang pugante na ang Pilipinas ay hindi ligtas na taguan ng mga nagtatangkang tumakas sa paglilitis sa kanilang bansa.

Hinikayat din ng komisyuner ang mga foreign nationals na respetuhin ang batas sa Pilipinas at nagbabala na ang gobyerno ay nangako na makikipag-ugnayan sa mga international authorities upang masiguro ang mabilis at patas na resolusyon ng anumang kaso.

Samantala, sinabi ng BI na si Shimoeda ay isinailalim na sa blacklist at itinuturing din na undesirable alien. JAY Reyes

Previous articleSchool principal patay sa pananambang
Next articleSeguridad sa Victory Liner hinigpitan kasunod ng pamamaril sa bus