Home NATIONWIDE Japanese tunnel noong World War II binuksan sa Albay bilang bagong tourism...

Japanese tunnel noong World War II binuksan sa Albay bilang bagong tourism site

MANILA, Philippines – Binuksan ang bagong historical tourism site sa Camalig, Albay na inaasahang magbibigay ng dagdag na livelihood opportunities sa mga residente ng Albay.

Sa panayam, sinabi ni Tim Florece, Camalig spokesperson, na binuksan nila sa publiko ang World War II Japanese tunnel sa Quituinan Hill sa Barangay Tinago.

“Extensive restorations were conducted to ensure the safety of tourists and visitors. This included mapping the tunnel, renovating the entrance, and cleaning the pathways and surroundings. Additionally, the team assessed the overall accommodation and capacity for tunnel tours,” ani Florece.

Ang naturang tunnel na may habang 35 metro at lapad na dalawang metro, ay nagsilbing taguan ng Japanese Imperial Army noong World War II nang sakupin nito ang Pilipinas noong 1940s.

“The opening of this historic site will bring about a significant increase in livelihood opportunities. We expect a boost in tourism, job creation, local product sales, business expansion, and agricultural growth. The economic activities in the area will increase,” sinabi pa ni Florece.

Kailangan lamang magbayad ng mga turista ng P20 para sa tourist registration at environmental fees.

Para sa tour guiding services, maximum fee na P100 ang sisingilin sa grupo na may hanggang lima katao.

Ipinagbabawal ang pagdadala ng flammable materials sa loob ng tunnel, pagpasok sa tunnel nang mag-isa at vandalism.

Inaabisuhan ang mga turista na magparehistro muna at makipag-ugnayan sa kanilang tourism office kasabay ng pagsunod sa mga panuntunan.

“Camalig is committed to preserving and promoting its cultural and historical sites, with the end goal of further increasing tourist visits and revenue, which will, in turn, enhance the provision of basic services for the CamaligueƱos,” ayon kay Florece. RNT/JGC

Previous articleLegal documents sa kaso ni Mary Jane Veloso naipadala na sa Jakarta – DFA
Next articleTrade deficit tumaas noong Nobyembre