Home HOME BANNER STORY Jay Sonza nakalabas na sa bilangguan

Jay Sonza nakalabas na sa bilangguan

MANILA, Philippines – Nakalabas na sa Quezon City jail ang dating mamamahayag na si Jay Sonza makaraang makapagpiyansa sa dalawa nitong reklamo.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, si Sonza ay nakalabas na sa BJMP-Quezon City Jail bandang alas-9 ng gabi nitong Martes, Agosto 22.

Siya ay nakapaghain ng piyansa para sa libel at 11 counts ng estafa.

Matatandaang nauna nang ibinasura ng QC Regional Trial Court Branch 100 ang syndicated at large-scale illegal recruitment case laban sa dating brodkaster.

Si Sonza ay inaresto noong Hulyo 18 habang pasakay sana ng kanyang flight patungong Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nang madiskubreng may pending estafa case laban sa kanya. RNT/JGC

Previous articleAktibidad ng Pilipinas ‘di kailangan aprubahan ng ibang bansa – DFA
Next articleAnak ni Yasmien, biktima ng cyberbullying!