Home ENTERTAINMENT Jay Sonza, umaapela ng tulong!

Jay Sonza, umaapela ng tulong!

Manila, Philippines- May kasabihan ngang kahit ang balon ay natutuyuan ng tubig.

This is how former broadcaster Jay Sonza sees himself.

Base sa kanyang social media post, he’s in dire financial straits.

To make matters worse, naka-confine pa si Jay ngayon sa Viacruces Medical Hospital sa Bansalan, Davao del Sur.

At presstime, isang linggo na raw siyang nasa nasabing pagamutan.

He was diagnosed to be suffering from pneumonia.

Isa sa mga hinaing niya’y ang mataas na presyo ng mga gamot na kailangan niya.

At hindi ikinahihiya ni Jay na inilapit na niya ang kanyang medical case sa DSWD for his much-needed medications.

Since September 19 lang daw ay nakakawalong tangke na siya ng oxygen.

Bukod dito’y he needs to walk on crutches dahil sa hirap maglakad.

“Kailangan ko na talagang magpasaklolo sa mga kaibigan ko,” nakakalungkot na sabi ni Jay.

Hindi rin daw kasi available sa Davao del Sur ang ilan sa kanyang mga gamot.

Matatandaang kamakailan ay pansamantalang nakalaya si Jay after posting bail amounting to P300,000.

Jay is facing charges of large-scale estafa for illegal recruitment.

Paging friends of Jay. Ronnie Carrasco III

Previous articleLotto Draw Result as of | September 27, 2023
Next articleINTERNATIONAL COFFEE DAY