JC Alcantara at Tony Labrusca, pinasalamatan ang mga nanonood ng ‘Hello Stranger’

JC Alcantara at Tony Labrusca, pinasalamatan ang mga nanonood ng ‘Hello Stranger’

June 28, 2020 @ 3:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pinasalamatan nila JC Alcantara at Tony Labrusca ang mga sumuporta at nanood sa pilot episode ng boys’ love (BL) series nitong “Hello, Stranger.”

Top 1 ang #HelloStrangerEP1 sa listahan ng local trending topics ng Twitter, isang oras makaraang ipalabas ang unang episode nito.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga BL fans community sa buong bansa at maraming maraming salamat na rin po sa mga fans namin na nandiyan, nagmamahal at sumusuporta sa’min,” ayon kay Alcantara.

“Sana samahan niyo kami hanggang dulo,” dagdag pa nito.

“I just wanted to say a big thank you to everyone who’s watching and supporting ‘Hello Stranger,'” pahayag naman ni Labrusca.

“Thank you so much to the BL community and to all the BL fans who have been watching,” dagdag pa ng binata.

Umabot na rin ang digital series sa ibang mga bansa.

“Sa lahat ng international viewers, sa mga nag-video reactions, sobrang nakakataba ng puso ‘yong mga feedback niyo sa’min,” ayon kay Alcantara. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...