Home ENTERTAINMENT JC, nabablangko kay Papa P!

JC, nabablangko kay Papa P!

Manila, Philippines- Naturingang malawak ang theatre experience ni JC Santos pero aminado siyang nabablangko siya noong makaeksena niya si Piolo Pascual.

The two actor are together in this year’s Metro Manila Film Festival entry Mallari.

Magkaibigang pari ang kapwa nila papel na ginagampanan.

Bihasa man sa teatro, inamin ni JC na may mga pagkakataong nakakalimutan niya ang kanyang speaking lines.

Ang lakas daw kasing “maka-insecure” ni Piolo pag kaeksena ang aktor.

Gayunpaman, hinahangaan ni JC ang pagiging epitome ni Piolo ng isang walking disciplined actor.

Napaka-generous daw ni Papa P in sharing his talent, and has worked so well with JC in the course of the entire shoot.

Not meant to flatter his co-actor na bida who plays three different roles in the movie, ani JC ay si Piolo raw ang isa sa tatlong dahilan kung bakit sinunggaban niya ang proyektong ‘yon.

Samantala, nagkaroon naman ng change of heart si JC as regards quitting showbiz.

Nagmarka kasi ang sinabi niya noong isang taon na tatalikuran na niya ang showbiz.

Wala naman siyang tinukoy na dahilan back then.

But now JC is rethinking his decision.

Dagsa raw kasi ang offers sa kanya sa pelikula’t entablado kung kaya’t “kinakain” daw niya ang kanyang binitiwang salita.

Kunsabagay, a good actor like JC ang kailangang manatili sa showbiz kumpara din lang sa iba riyan.

No mention of names na lang! Ronnie Carrasco IIi

Previous article145K pasahero pinaghahandaan na ng NAIA – Bautista
Next articleXian, umiiwas sa tanong, in-off ang comment box ng IG!