Home NATIONWIDE Jeep bumangga sa puno 2 patay, 22 sugatan

Jeep bumangga sa puno 2 patay, 22 sugatan

MANILA, Philippines- Dalawang bakasyonista ang nasawi habang 22 ang sugatan matapos na bumangga sa puno sa gilid ng kalsada ang sinasakyan nilang jeepney sa Lobo, Batangas nitong Sabado, Marso 30.

Ayon sa Batangas police, ang jeepney ay minamaneho ni Alberto Urriza, 54, kung saan mayroon silang 23 pasahero.

Habang nasa pababa at pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Malabrigo ay nawalan ng kontrol ang drayber at binangga ang barikada sa gilid ng kalsada saka bumangga sa puno na nasa gilid nito.

Nagtamo ng sugat at iba pang injury ang drayber at mga pasahero na agad dinala sa ospital.

Sa kabila nito, nasawi si Urriza at isa pa nitong pasahero na si Virgin Migo, 52-anyos, residente ng Sto. Tomas, Batangas.

Nanggaling umano sa beach resort sa Malabrigo ang mga pasahero ng jeepney.

Hindi na tinukoy pa sa report kung nirentahan ng mga bakasyonista ang jeepney.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC

Previous articleNat’l Maritime Council nilikha sa pagpapalakas ng PH maritime security
Next article2 naglalakad binaril patay