Home METRO Jemboy, Soria slays ‘di magkaugnay – Malabon Police

Jemboy, Soria slays ‘di magkaugnay – Malabon Police

MANILA, Philippines- Itinanggi ng pamunuan ng Malabon Police na magkaugnay ang pagpatay sa isang residente ng lungsod sa pagkapatay kay Jerhode “Jemboy” Baltazar.

Napatay ng mga pulis si Jemboy noong Agosto 2 at saktong isang buwan makalipas ay si Daniel Soria naman, 20, na kalaro umano sa basketball ng una ang tinodas ng hindi pa kilalang salarin noong Setyembre 2.

Tatlong sachet ng droga na may halagang P10,000 ang natagpuan kay Soria ng mga imbestigador na sinasabing may kaso ring frustrated homicide at grave threats with firearms.

Unang napaulat na katatagpuin ni Soria ang isang ‘di pa rin kilalang babaeng kausap sa social media at ka-chat pa umano ito nang barilin. Merly Iral

Previous articleDOH: Dr. Leachon balik sa pagiging volunteer consultant
Next articleSubpoena isinilbi vs 14 aktibista sa ‘illegal’ SONA protest

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here