Home ENTERTAINMENT Jen at Dennis, pinaghandaan ang retirement!

Jen at Dennis, pinaghandaan ang retirement!

Manila, Philippines – Hindi lang investment ang two-storey house na ipinundar ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Amerika, back-up plan din.

Matatandaang around this time last year ay ipinasilip ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang nasabing property.

It’s located in Summerlin Residential Community, Las Vegas Valley in Southern Nevada.

May magandang view pa ito ng Red Rock Canyon.

Ang tirahang ‘yon daw, ayon sa showbiz couple, ang magsisilbing retirement place nila kapag tinalikuran na nila ang showbiz.

Kanya-kanyang pananaw sina Jen at Dennis tungkol sa kanilang tahanan sa US.

As for Jen, mas normal daw silang makakakilos doon.

Bukod sa they can move around incognito, kahit daw mag-tumbling pa sila sa kalsada’y walang papansin sa kanila.

“Maganda ‘yon dahil walang pakialaman ang mga tao. Walang social media na naka-monitor sa bawat kilos mo,” ani Jen on the perks of settling abroad.

Katahimikan naman ang pangunahing concern ni Dennis.

Ayon sa aktor: “Pag tumatanda ka na, all you want is peaceful environment.”

Bukod sa pagkakaroon ng investment cum retirement place sa Amerika ay meron ding resthouse ang ceebrity couple sa Tanay, Rizal.

Gawa sa shipping containers ang kanilang bahay-bakasyunan doon.

Although matagal pa bago magretiro ang mag-asawa sa showbiz, nakaka-inspire ang kanilang paghahanda this early.

Kasama rin kaya sa kanilang plano na sundan na si Baby Dylan? Ronnie Carrasco III