Home NATIONWIDE ‘Jenny’ lumakas pa; Signal No. 1 itinaas sa 5 lugar

‘Jenny’ lumakas pa; Signal No. 1 itinaas sa 5 lugar

MANILA, Philippines- Umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa limang lugar sa Luzon sa paglakas ni  Bagyong Jenny further nitong Lunes ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 11 a,m. bulletin, tinukoy ng PAGASA ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng TCWS No. 1:

  • Batanes

  • Cagayan kabilang ang Babuyan Islands

  • northern at eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas)

  • Apayao

  • northern portion ng Ilocos Norte (Carasi, Vintar, Burgos, Dumalneg, Bangui, Pagudpud, Adams)

Sinabi ng PAGASA na base sa pinakabagong monitoring, si Jenny ay 635 kilometers east Southeast ng Basco, Batanes na may maximum sustained winds na 140 km per hour at gustiness hanggang 170 km/h.

Patungo ito sa northwestward direction sa bilis na 15 km/h. RNT/SA

Previous articlePresensya sa WPS mapaiigting ng karagdagang barko
Next articleSekyu patay sa bala ng kabaro