Home ENTERTAINMENT Jennylyn, ‘imbyerna’ kay Dennis!

Jennylyn, ‘imbyerna’ kay Dennis!

Manila, Philippines – Ang lakas ng aliw factor ng pinakabagong TikTok video ng Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Sa nasabing video, makikita si Dennis na nagli-lip sync ng awiting “Ikaw Lang Ang Aking Mahal” sa loob ng banyo.

Todo emote at bigay na bigay sa pagkanta ito as if wa ker sa mundo.

May hawak pa siyang gitara habang sinasabayan ang nasabing awitin.

Nang bumukas ang pinto, nakatingin lang ang kanyang wifey na si Jennylyn habang patuloy lang ito sa pagbirit.

Marami rin ang na-amuse sa naging imbudo reaksyon ni Jennylyn sa ginagawang pagkanta ng kabiyak sa kanilang banyo.

Kinalaunan ay napalingon si Dennis at doon na ito nagulat nang makitang naroroon pala si Jennylyn na ‘huli siya sa akto.’

Ito naman ang naging komento ng netizens.

“Kaya pala isang araw na naghihintay sa labas ng banyo si Jen nagko-concert pa si Dennis eh.”

“At least di na sya sisigaw ng, ‘dennis buksan mo to!'”

“Ano na naman to kuya Dennis, bat sa banyo pa naggi-guitara”

“Kakatuwa lang. Huli sa akto ni misis si mister.”

“Ano pa kayang ginagawa niyang milagro sa loob ng banyo?”

“Ano kaya ang susunod na eksena. Paglilinisin ba siya ng bahay o paglalabahin niya ng labada si Dennis?”

“In fairness kay Dennis, super aliw ako sa TikTok videos niya.”

“Parang KJ naman si Jennylyn kay Dennis.” Archie Liao

Previous articleBIR sinisilip magpataw ng withholding tax sa digital payment channel transactions
Next articleBoard member pinagbabaril-patay!