Home ENTERTAINMENT Jennylyn, may ‘baby brain,’ nahirapang mag-memorize ng linya! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jennylyn, may ‘baby brain,’ nahirapang mag-memorize ng linya! August 30, 2023 12:13 402 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Baby brain. This is what Jennylyn Mercado says she’s suffering from having matapos magbalik-taping ng naudlot niyang teleserye sa GMA. Jen resumed work for Love. Die. Repeat ., ang pansamantalang na-shelve na project nila ni Xian Lim. Matatandaang nang simulang gawin ‘yon ni Jen ay nasa interesting stage siya. Isang taping sked had to be called off dahil nakaranas ng spotting ang aktres, dahilan para dalhin siya sa ospital. Mahigit isang taon ding nagpahinga si Jennylyn after giving birth to Dylan. At ngayon ngang she’s ready to roll up her sleeves ay nakakaranas siya ng ibang problema. Inamin ng homegrown Kapuso actress na “dinaga” siya sa unang araw when taping resumed. Feeling niya raw ay hindi na siya marunong umarte. Idagdag pa raw ang tila pagkakaroon niya ng baby brain dahil hirap siyang magmemorya ng kanyang mga linya. But thanks to her co-actors and direk Irene Villamor na umalalay daw sa kanya. Speaking of Xian, all praises si Jen sa aktor dahil wala itong ipinagbago sa kanyang ugali at work attitude. “He’s still the same Xian I know,” ani Jennylyn who’s also set to do a Pinoy adaptation of a 2012 Korean film. Hindi pa final kung si Jerico Rosales o Sam Milby ang leading man niya roon. Ronnie Carrasco III