Home NATIONWIDE #JennyPh bahagyang humina; signal warnings umiiral pa rin

#JennyPh bahagyang humina; signal warnings umiiral pa rin

MANILA, Philippines- Bahagyang humina si Bagyong Jenny subalit inaasahan pa ring magdudulot ng malakas na pag-ulan at hanign sa bahagi ng northern Luzon, ayon sa state weather forecaster nitong Martes ng tanghali.

Namataan si Jenny “330 kilometers off Basco, Batanes” kaninang alas-10 ng umaga na may maximum winds na 155 kilometers per hour at hanggang 190 kph gusts. Bumagal ang pagkilos nito sa 10 kph.

Iniulat ng PAGASA posibleng umabot ang ulan sa 100-200 mm (halos  4 hanggang 8 inches) sa Batanes, Babuyan Islands, at northern parts ng Ilocos Norte hanggang Huwebes sa patuloy na pagkilos ni Jenny patungong southern Taiwan.

Samatala, inaasahan ang occasional rains sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa sunod na tatlong araw sa pagpapaigting ni Jenny sa southwest monsoon o habagat.

Itinaas ng PAGASA ang signal no. 2 sa Batanes, kung saan inaasahan ang 88 kph winds sa loob ng 24 oras.

Umiiral naman ang Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands

  • Northern at eastern portions ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig)

  • Apayao

  • Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)

  • Northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)

  • Ilocos Norte

Anang weather bureau, posibleng ikasa ang signal no. 3 sa sunod na forecast bulletins para sa bagyo na aalis sa Philippine area of responsibility sa Huwebes. RNT/SA

Previous articleJames, Durant, Curry lalaro sa Paris Olympics
Next articleNGCP pinagpapaliwanag ni Hontiveros sa P8.7B gastusin sa janitorial services