Home ENTERTAINMENT Jeric at Aljur, nag-bonding!

Jeric at Aljur, nag-bonding!

Manila, Philippines – Close na ngang matatawag sina Jeric Raval at Aljur Abrenica.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Aljur ang pasilip sa bonding moments nila ni Jeric.

Ang anak ni Jeric na si AJ ang nobya ni Aljur.

Nakuha ngang pagsabayin ni Aljur ang pakikipag-bonding sa anak na si Alas and spending time with his fiancè’s dad sa isang resort somewhere in Zambales.

Nakasama pa si Alas who’s Aljur’s eldest son with Kylie Padilla sa larawan nila ni Jeric.

Hindi nga lang malinaw kung kasama rin sa outing ang isa pang anak ni Aljur na si Axl.

Bagama’t not in photo, given na that AJ was also around.

Hindi na bago kung nakakasama ni AJ ang mga anak ng nobyo kay Kylie dahil ina-appreciate pa nga ng huli ang gesture nito pagdating sa maayos na pakikitungo sa kanyang mga anak.

Ang bago sa paningin ng mga netizens ay makitang magkasama ang “magbiyenang hilaw.”

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may basbas ni Jeric ang pakikipagrelasyon ni AJ kay Aljur.

Pero matatandaang nag-isyu ng “ultimatum” si Jeric kay Aljur nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hiling ni Jeric kay Aljur na ayusin nito ang usaping legal with Kylie para malaya na niyang mapakasalan si AJ.

Despite their separation, hindi pa annulled ang kasal nina Kylie at Aljur. Ronnie Carrasco III

Previous article‘Di ako titigil, aabutin ko NBA goal ko – Kai Sotto
Next articleAnak ni Iza, na-dengue!