Home ENTERTAINMENT Jeric, ibinisto ang pagli-live in nina AJ at Aljur!

Jeric, ibinisto ang pagli-live in nina AJ at Aljur!

Manila, Philippines- Napaamin ni Morly Alinio si Jeric Raval tungkol sa estado ngayon ng kanyang anak na si AJ as far as the latter’s lovelife is concerned.

Pag-amin ni Jeric, very much together pa rin daw si AJ at ang nobyo nitong si Aljur Abrenica.

Sa katunayan, nagli-live in o nagsasama na ang dalawa.

Habang wala kasing ginagawa’y laging nakapirmi si AJ sa Pampanga.

Kumbaga, where she is, is where Aljur goes.

Hindi kaya may ibig sabihin ang pananahimik ni AJ as in buntis siya?

Hangga’t maaari raw ay ayaw manghimasok ni Jeric sa personal na buhay ng anak.

One thing’s for sure though, may kasunduan daw sila ni Aljur.

Such that Aljur has to get everything fixed between him and Kylie Padilla before he can marry AJ.

So, bakit nagla-lie low si AJ kung hindi naman pala siya buntis?

Esplika ng ama: “Alam mo, ‘yang batang ‘yan, ayaw na ayaw maba-bash…pag ganu’n, nawawalan siya ng interes sa showbiz!”

Pero umaasa si Jeric na manunumbalik ang interes ni AJ sa larangang nagpasikat sa kanya.

“llang buwan pa lang naman. Sayang naman ang nasimulan niya,” Jeric says of his 23-year-old daughter.

“Ang sa akin, kung saan siya masaya, doon ako!” ani Jeric. Ronnie Carrasco III

Previous articlePagiging preggy ni Ria kay Zanjoe, pinagpipilitan ng netizens!
Next articleEuwenn Mikaell, pasok na sa GMA7!