Manila, Philippines – Palibhasa sa hapon ipinalalabas ang Fast Talk with Boy Abunda ay hindi na nakuhang ipaliwanag ni Dingdong Avanzado why he compared his wife to an oyster.
Panauhin ni Boy ang mag-asawang singer.
To liven up the interview ay tinanong ng host si Dingdong kung anong lamang dagat niya maaaring ikumpara ang kanyang misis.
The OPM singer’s quick answer evoked laughter mula sa mga tao sa studio: “Sa talaba!”
Bago sumagot ay pinaaalalahanan na ni Jessa Zaragosa na gandahan ng mister ang kanyang sagot.
Ipinaklaro ni Jessa kung fresh daw ba ang talaba that her husband compred her to.
Oo raw, ani Dingdong.
Hirit pa ni Jessa, tulad daw ba ng oysters sa Amerika na malalaki?
Oo rin daw, sagot ni Dingdong who’s fond pala of oysters.
Muling nagtawanan ang mga tao sa studio nang sabihin ni Jessa na: “Bakit parang mahalay?”
Depensa ni Dingdong, mahirap daw ipaliwanag lalo’t nasa hapon nga ang programa.
Anyway, mahigit 20 taon nang mag-asawa sina Dingdong at Jessa.
Pag-amin nila, theirs is not a predictable type of marriage dahil sa mga sorpresa nila sa isa’t isa.
Nilinaw naman ni Jessa na not only does she love Dingdong: “I like him!”
‘Yun daw ang sikreto ng kanilang matagumpay na pagsasama. Ronnie Carrasco III