Home ENTERTAINMENT Jessy, nagpapagaling lang ng sugat, game uli manganak!

Jessy, nagpapagaling lang ng sugat, game uli manganak!

206
0

Manila, Philippines – Never a dull moment talaga sa mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

To the point nga na nahahawa ang mga netizens sa kanilang mga biruan.

On Instagram, naaliw ang mga netizens sa post ni Luis: “Apparently, we make big babies.”

Ang tinutukoy pala ng TV host ay napakabilis daw makalakihan ng kanilang anak na si Baby Peanut ang mga damit nito.

Supposedly, pang-3 to 6 months lang dapat ang sukat ng mga damit ni Isabelle Rose since ilang araw pa lang from now ay maglilimang buwan pa lang ito.

Dagdag ni Luis: “Had to buy 6-12 months clothes. Ang bilis ng panahon!”

Sa puntong ‘yon naglambing ng biro si Luis sa misis na kung puwede raw ay sundan na nila ang kanilang firstborn.

Knowing Jessy, lumalaban ito sa biruan.

‘Yun ay kung biro nga ang tinuran ni Luis that he’s eager to have another child soon.

Sagot ni Jessy sa mister: “Sige, pagagalingin ko lang ang sugat ko!”

Ang tinutukoy ni Jessy ay ang tahi niya when she gave birth to Baby Peanut.

It takes a while nga naman bago maghilom ang sugat kung via CS or caesarean section ang paraan ng panganganak.

Obyus na joke lang ‘yon ni Luis para nga naman may magsuot ng mga nakalakihang damit ng kanilang anak.

Ang tanong nga lang: what if kung baby boy ang isilang ni Jessy? Ipasuot kaya ni Luis ang mga damit na ‘yon para hindi sayang? Ronnie Carrasco III

Previous article20 sites para sa mall voting target ng Comelec
Next articleMAGBAKWIT NA LABAN SA SUPER TYPHOON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here