Home ENTERTAINMENT Jillian, kinikilig kay Ken!

Jillian, kinikilig kay Ken!

Manila, Philippines – Sa panayam ng PEP.ph kay Jillian Ward, tinanong ang Kapuso actress kung bukas ba siya sa posibilidad na mahulog ang loob nila ni Ken Chan, na kapareha niya sa Abot Kamay na Pangarap ng GMA 7.

Sabi ni Jillian, “Well, ‘di pa talaga ako nagpapaligaw. Basta masaya ako kasi kumbaga nagkaroon ako ng isa pang totoong tao sa buhay ko.”

Tingin ba niya ay boyfriend material si Ken?

Sagot ng dalaga, “Of course, si Ken sobrang bait siya, sobrang sipag and matalino siya. Di lang siya artista, businessman din siya. Super faithful din siya.

“Alam ninyo, sobrang na-touch ako sa kanya, nag-mass kami sa taping kasi first year anniversary namin.

“Ngayon ko lang nalaman na sobra pala ang faith niya kay God. Mas natuwa ako sa kanya.”

Kuwento pa ni Jillian, close sila ni Ken.

“We’re super close, as in super close. Yesterday nag-breakfast kami sa taping then nag-dinner din.

“Lagi ko siyang kausap, lagi ko siyang tinatanungan ng advice, lagi kaming nagtutulungan sa eksena, even outside sa eksena.”

Natutuwa si Jillian na tanggap ng mga fan ang tambalan nila ni Ken.

“Alam ninyo nu’ng una, nabigla kami na ang daming natutuwa sa amin, ang daming kinikilig.

“Nu’ng una parang, ‘Ay, talaga?’ Pero sa totoo lang, sa ngayon ‘pag may ginagawa kaming scenes, kinikilig kami habang ginagawa namin.

“Minsan napagsasabihan kami kasi pareho kaming di makontrol yung tawa namin pag nagte-take. Napagsabihan kami, ‘Alam niyo di na kayo puwedeng magtabi,’ kasi masyado raw kaming masaya kapag magkasama. Tawa lang kami nang tawa as in.” Rommel Placente

Previous articleAlagang ahas ni Janella, nakawala!
Next articleIsrael envoy nangako, mga Pinoy poprotektahan sa Hamas attacks