Home ENTERTAINMENT Jillian masama raw ugali, biktima ng demolition job!

Jillian masama raw ugali, biktima ng demolition job!

344
0

Manila, Philippines- Puwedeng i-apply sa kaso ni Jillian Ward ang kasabihang pinupukol ang punong hitik sa bunga.

It is exactly what’s happening to one of GMA’s most prized possessions lalo na nu’ng um-attend ito ng thanksgiving gala kamakailan.

Sinilip kasi ng ilang netizens ang pagdating ni Jillian nang walang escort hanggang rumampa sa red carpet.

Wala rin daw itong kahalubilong mga kapwa artista who she can call her friends.

Kulang na lang sabihin ng mga netizens na may masamang ugali angĀ  young actress.

Tuloy, hindi maiiwasang isipin na may demolition job laban kay Jillian.

At ang mga pasimuno nito’y ang mga taong hindi matanggap that up Jillian’s sleeve is a successful, top-rating afternoon soap na Abot-kamay na Pangarap.

Aside from her career going great guns, hindi maaaring isnabin ang academic achievement ni Jillian.

Imagine, sa kabila ng kanyang pagiging abala with her showbiz commitments ay nakuha pa niyang tapusin ang kanyang secondary education.

Take note, Jillian graduated first honor in her batch!

Kaya paanong hindi siya kaiinggitan to the point of discrediting her?

Wala lang escort, masama na agad ang ugali?

Hardly surrounded by celebrity friends, may attitude na agad?

Hindi ba puwedeng um-attend at rumampa sa isang event nang solo lang?

Kasalanan din ba ni Jillian kung pumapalo sa ratings ang kanyang afternoon soap?

Hindi ba’t team effort naman ‘yon ng buong cast? Ronnie Carrasco III

Previous articleEmelyn, napasobra sa kapa sa kargada ni Kurt!
Next articleCarlo aminadong may sinukuan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here