Home LOCAL BIZ Jillian, may 700 guests sa debut; designer ng gown ni Catriona, pinuntirya!

Jillian, may 700 guests sa debut; designer ng gown ni Catriona, pinuntirya!

103
0

Manila, Philippines – Matagal na palang pinupuntirya ni Jillian Ward ang nagdisenyo ng winning gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Mak Tumang.

Who will ever forget Catriona’s red lava gown na mataas ang slit which she wore until the finals at maputungan ng korona?

Dahil literal na winner ang gown na ‘yon kung kaya’t bet ni Jillian na magmukha rin siyang winner in the eyes of her 700 guests expected to show up on her 18th birthday.

May pagka-regionalistic pala si Jillian for her choice of Mak dahil pareho silang cabalen.

Kapampangan pride nga ang paglalarawan ng dalaga kay Mak.

Now, you might be curious to ask: bakit 700 ang inaasahan niyang dadalo sa February 23?

Mukhang nag-head count si Jillian who invited her close friends at pati na rin mga dati niyang nakatrabaho.

Seriuos? Aba, ang dami niyon!

Balita kasing inimbitahan niya ang mga nakasama niya sa Trudis Liit, noong panahong she was just learning her ABC hanggang sa mga workmates niya sa Abot-Kamay ang Pangarap.

May pa-intriga effect pa si Jillian dahil sinesekreto niya ang theme o motif ng kanyang engrandeng debut.

Pero teka, sa 700 guests ba niyang ‘yon ay naliligaw ang pangalan ni Sophia Pablo?

Dati na silang magkasama sa Prima Donnas ng GMA yet they never became close daw.

To begin with, nag-e-expect ba naman si Sophia?

Ang pagiging hindi niya invited sa debut ni Jillian ay be-all and end-all ba ng kanyang mortal existence?

Kunsabagay. Ronnie Carrasco III

Previous articleP6.9M shabu nasabat sa big-time drug trafficker
Next articleAverage 40% lusot sa teachers’ licensure exams noong 2010-2022 – pag-aaral