Home ENTERTAINMENT Jimmy Santos, ibinida ang pangangalakal sa Canada! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jimmy Santos, ibinida ang pangangalakal sa Canada! May 26, 2023 09:54 454 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Calgary, Canada – Hindi malinaw sa kanyang vlog kung bakit at ano ang pakay ni Jimmy Santos sa pagpunta sa Canada. But one thing’s for sure, kapupulutan ng mahalagang aral ang ibinahagi niyang karanasan doon. And just what is it? Pangangalakal. No, hindi literal na nangangalakal doon ang retirado nang TV host-comedian. Ang siste, nakaipon si Jinmy ng isang grocery cart ng sari-saring kalakal tulad ng karton, bote at lata. Sa Canada raw pala’y hindi por kilo kung ibebenta mo ang mga nasabing kalakal. Babayaran nila ito por piraso. Kunwari, bibili ka ng softdrink in can, kailangan mong bayaran ang deposito na ang halaga’y aabot sa 10 cents. Ito’y para maobliga ang namimili na isoli ang basyo o lata ng softdrink, kapalit ang pera. Hindi ito tulad sa atin na tapon lang tayo ng mga basyo o lata na ikinakalakal ng mga namumulot niyon para pagkakitaan. Sa isang grocery cart ng mga kalakal na naipon ni Jimmy ay ipinagpalit niya ito sa tinatawag na bottle deppt. Doon ay iisyuhan siya ng resibo, at presto, ‘yun ang patunay kung magkanong halaga ang katumbas ng mga naipon niyang kalakal. Noong araw ding ‘yon ay naka-Canadian $15 din si Jimmy o katumbas ng P600. Aniya, gusto niyang ibahagi ang kanyang “pangangalakal experience” para maturuan tayong mag-recycle ng mga waste products. Ito raw ang magandang maiaambag natin sa kalikasan. O, ‘di ba, biglang nagkaroon ng adbokasiya si Jimmy Santos? Ronnie Carrasco III