Home HOME BANNER STORY Jinggoy abswelto sa plunder case sa pork barrel scam; guilty sa bribery

Jinggoy abswelto sa plunder case sa pork barrel scam; guilty sa bribery

(c) Danny Querubin l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinawalang-sala ng Sandiganbayan 5th division sa kasong plunder si Senator Jinggoy Estrada ngunit hinatulan na makulong sa kasong bribery kaugnay sa pork barrel scam.

Makikitang paalis na si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan sa Quezon City, Enero 19, 2024 matapos na mabasahan ng sakdal at ipawalang sala sa kasong pandarambong kaugnay ng P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iniugnay kay Janet Lim Napoles. Gayunpaman, hinatulan ng Anti-Graft court ang senador na nagkasala sa isang count ng direct bribery at 2 counts ng indirect bribery. (c) Danny Querubin l Remate File Photo
(c) Danny Querubin l Remate File Photo

Sa 396 pahinang desisyon ng Korte, Si Estrada ay hunatulang guilty sa isang bilang ng kasong direct bribery na may pagkakulong ng walo hanggang siyam na taon at dalawang bilang ng kasong indirect bribery na may kulong ng dalawa hanggang tatlong taon.

Inatasan ng anti-graft court si Estrada na magbayad ng P3-million bilang multa.

(c) Danny Querubin l Remate File Photo

Maari pang maghain ng motion for reconsideration si Estrada sa naging hatol ng korte.

Sa ambush interview, ikinatuwa ni Estrada ang pag-abswelto sa kanya ng korte sa kasong plunder. Patunay aniya ito na wala siyang ninakaw na pera at walang tinangap na salapi kahit kanino.

Itinuring naman ni Atty. Alexis Abastillas Suarez, legal counsel na Estrada na malaking tagumpay ang desisyun ng Sandiganbayan.

Pag-aaralan nila aniya ang mga kasong direct at indirect bribery na hinatol sa senador dahil hindi pa nila batid kung ano naging basehan ng korte para sa mga nabangit na kaso. Hindi aniya bahagi ng isinampang plunder ang bribery.

Magugunita na ang kapwa akusado ni Estrada na si Janet Lim-Napoles na may hawak sa halos karamihan ng non government organization na ginamit sa pork barrel scam ay hinatulan ng pitong bilang ng kasong corruption of public officials. Inatasan si Napoles na magbayad ng P262 million.

Napawalang sala rin si Napoles sa kasong plunder, ngunit nananatili sa bilanguan dahil sa ibang kaso.

Si Estrada ay naakusahan na nagbulsa ng P183 million bilang kickbacks mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). Teresa Tavares

Previous articleTulak tigbak sa onsehan sa droga
Next articleDeployment moratorium ng seasonal workers sa SoKor ipinatupad ng DMW