Jinri, ‘di nagpaawat sa COVID-19, ikinasal sa Australia

Jinri, ‘di nagpaawat sa COVID-19, ikinasal sa Australia

March 22, 2020 @ 4:26 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Kagaya nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na nagkansela ng kanilang enggrandeng kasal dahil sa COVID-19 at piniling magpakasal na lamang na isang simpleng seremonya, nagawa pa rin ng Koryanang artista na si Jinri Park na magpakasal sa gitna ng pangamba sa COVID-19.

 

Ikinasal si Jinri at ang kanyang partner na si John sa isang simpleng seremonya sa Australia kung saan tanging ang pamilya lamang ng groom ang saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

 

Napagdesisyunan ng dalawa na ipagpaliban ang kanilang kasal dahil sa COVID-19, ngunit nagtungo pa rin sila sa simbahan “to legally sign the registry and got married.”

 

Say ni Jinri, “can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk down the aisle.”

 

Noong nakaraang Lunes, inanunsyo niya ang kanselasyon ng kanilang kasal sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

 

Nauna nang ikasal sa Korea ang dalawa. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...