Home METRO Job fair dinumog sa Caloocan

Job fair dinumog sa Caloocan

232
0

MANILA, Philippines- Umabot sa mahigit 200 ang hired on the spot habang umabot sa 725 ang mga kwalipikadong aplikante ang ipoproseso upang magkaroon ng trabaho matapos dumugin ng mga bagong graduates at mga kabataang naghahanap ng trabaho ang isinagawang Job Fair sa SM Grand Central sa Caloocan City.

Sa pakikipag-ugnayan ng SM sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay nabuo ang job fair bilang maagang Pamaskong regalo sa mga taga-Caloocan City na naghahanap ng hanapbuhay.

Lumahok ang nasa 41 organisasyon mula sa iba’t ibang industriya sa nasabing job fair na pinaglaanan ng nasa 3,733 trabaho dahil sa paparating na pagtaas ng demand ng customer sa nalalapit na Pasko.

Mula sa mga malalaking retail hanggang sa mga kompanya sa hospitality, logistics, at service provider, ipinakita ng fair ang malawakang pinagsama-samang alok na trabaho na may mga posisyon mula sa sales associates, customer service representatives, warehouse staff, administrative professionals hanggang sa management roles.

“The holiday season holds great significance for us, Filipinos, and having a dedicated and dynamic workforce is the key to making Christmas truly memorable for everyone,” ani SM City Grand Central Assistant Mall Manager Alpha Hernandez.

“We are pleased to collaborate with these esteemed companies that offer thousands of job opportunities. Our goal is not only to bring Christmas cheer but also to help individuals secure employment that can lead to fulfilling careers,” dagdag nito. R.A Marquez

Previous articleMalalang pinsala sa Rozul Reef, Escoda Shoal corals sa WPS kinumpirma ng PCG
Next articleReporma sa BFP-QC hirit ni Belmonte

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here