Home HOME BANNER STORY Jobless Pinoys bumaba sa 7.9M

Jobless Pinoys bumaba sa 7.9M

MANILA, Philippines – Bumaba sa 7.9 milyon ang bilang ng unemployed Filipinos sa third quarter ng 2023, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang pinakabagong joblessness rate na 16.9% ay bumaba mula sa 22.8% o 10.3 milyon noong Hunyo, at 18.6% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ito rin ang pinakamababa mula sa 15.7% na naitala noong Disyembre 2017.

Ang mga kwalipikadong jobless adults ng SWS ay ang mga boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, mga naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, at nawalan ng trabaho dahil sa ekonomia na labas sa kanilang kontrol.

Ipinapakita sa pinakabagong survey na 63.3% ang labor force participation rate, katumbas ng 46.5 milyon katao, mas mataas sa 61.6% o 45.3 milyong naitala sa nakalipas na quarter.

Sa Metro Manila, naitala ang 19.2% (bumaba mula sa 24.3%), Mindanao sa 12.4% (mula sa 15.5%) at Visayas sa 12.2% (mula sa 15.6%).

Ang unemployment ay pinakamataas sa edad 18 hanggang 24 sa 34.4%, sinundan ng edad 25 hanggang 34 sa 22.7%, 35 hanggang 44 anyos sa 16.5%, at edad 45 pataas sa 11.9%.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa 2.09 milyon ang jobless Filipinos noong Oktubre, katumbas ng unemployment rate na 4.2%.

Ayon sa SWS, mayroong “understandably large” discrepancy sa pagitan ng joblessness rate nila at ng PSA, dahil sa magkaibang depinisyon nila ng ’employment.’

Ang pinakahuling SWS survey ay isinagawa mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults, tig-300 sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/JGC

Previous article5 daungan tinututukan sa bugso ng mga pasahero sa holiday season
Next articleLolo patay sa kainuman