Manila, Philippines – Kung hindi maaayos ang problemang kinasasangkutan ay sinisiguro ng movie and concert producer na si Joed Serrano na idudulog na niya ito sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo.
Si Joed ay dating member ng That’s Entertainment who ventured into producing big budgeted films and big time concerts.
Ang Wanted sa Radyo naman ni Idol Raffy ay kilala sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema ng tao.
Ayon kay Joed, diumano’y nakipag-deal daw siya ng auto swapping sa isang ahenteng nagngangalang Alex. Si Alex diumano ay tauhan daw ng isang malaking car dealer ng mga second hand luxury cars na Auto Camp.
Hindi lang daw isa ngunit allegedly, a handful of luxury vehicles daw ang ipinalit ni Joed sa binebentang nag-iisang BMW naman ni Alex.
Ibinigay diumano ni Joed ang lahat ng mga dokumento ng mga kotseng kanyang ipinalit ngunit ang dokumento raw na para sa BMW diumano ay kunin na lang daw niya sa opisina, ayon naman daw kay Alex.
Sinabi ni Joed na hindi raw niya naasikaso agad ang pagkuha sa dokumento ng BMW ngunit nang nabigyan na raw niya ito ng oras diumano ay nalaman niya na wala raw itong legit na document.
In short, ayon kay Joed ay wala raw itong OR/CR at may utang pa raw ang kotse na ‘yun sa tunay na may-ari.
Ang gusto ni Joed ngayon ay palitan ng Auto Camp ang BMW na isinwap sa kanya nang walang legit na papel lalo’t diumano’y hindi na rin niya mahagilap si Alex.
At kapag hindi raw ito nabigyan ng agarang solusyon ay mapipilitan daw si Joed na isiwalat ang buong pangyayari at lumapit kay Tulfo.
Sana nga ay maayos na agad ang problemang ito ni Joed sa lalong madaling panahon at hindi na sana maging komplikado pa. JP Ignacio