Manila, Philippines – Isa si Lord of Scents, ang Afficionado king na si Joel Cruz sa mga naging donors ng benefit show ni Fiery Soul Torch Diva Malu Barry at isa rin siya sa mga nanood ng said benefit concert kasama ang kanyang mga anak.
Ang actress cum singer na si Patricia Javier at ang husband nitong si Doc Rob Walker ang producers ng nasabing benefit concert for a cause na ang stage director ay si Jobert Sucaldito at ang musical director naman ay si Butch Miraflor.
After the show ay na-interview ko si Sir Joel at nagbato ako ng ilang katanungan like the following:
Wish mo Kay Malu Barry?
“Wish ko kay Malu na gumaling siya sa lalong madaling panahon. Lumakas pa ang kanyang katawan, isipan at makapagbigay pa siya ng entertainment sa maraming tao sa ganda at husay ng kanyang boses at talento.”
Bakit mo nasabi sa concert ni Malu na gusto mong maging katulad niya ang Isa sa mga anak mo?
“Habang nakikinig ako kay Malu ay napakasarap niya panoorin. Masarap pakinggan ang kanyang golden or magical voice! Napakahusay niya kaya masaya akong nanonood at nakikinig sa mga kanta niya.
“At very touching din ang story ng buhay niya.
Sobra ang paghanga ko sa boses niya kaya naisip ko na sana kahit isa sa mga anak ko, e, maging katulad niya.”
Ano nga pala yung balitang may tinutulungan ka na mga cancer patients?
“Bilang member ng Philippine Cancer Society for the past 15 years, marami na akong natutulungan na mga patients na walang pambayad o hindi kaya, walang pambayad sa chemotherapy. Kaya gumagawa ako ng sulat sa
Philippine Cancer Society at sila naman ay handang tumulong sa mga Filipinos na may sakit na cancer.”
Bakit ‘di ka nagsasawang magbigay ng support sa mga taong may cancer?
“Hindi ako magsasawang tumulong sa mga tao may sakit man o wala dahil bilang christian na nag-aral sa UST for 14 years, na-mold ako na tumulong sa kapwa sa abot ng aking makakaya! Isa rin yan sa turo ng aking magulang na tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na kung ako o kami ay blessed at maayos ang buhay!
“Napakasarap nang pakiramdam ng nakakatulong sa kapwa lalo na kung kapwa ko Filipino ang tinutulungan ko.
Blessed ako na may kakayahan akong tumulong at hindi ako ang tinutulungan. Pero napakabait ng Panginoon na binigyan Niya ako at ang aking mga anak ng magandang buhay kaya napakaluwag ng aking pag-iisip na tumulong sa kapwa sa abot ng aking makakaya! Minsan, hindi naman ganu’n kalaki ang pera na naibibigay ko pero napakarami naman nila na kaya masasabi ko na hindi ako maramot.
“Biniro kasi ako ng aking kaibigan at sinabing, ‘maliit sa iyo ang halaga na yan. ‘
“Ang sagot ko sa kanya, ‘kung sa tingin mo ay maliit ang halaga na ito, sana ay makita mo rin na napakarami kong natutulungan at napakalaking pera na rin yan kapag pinag-sama sama!
“Bago ako dumating sa concert ni Malu, Galing ako sa Girls Scout of the Philippines at nakasama ko sina Sen. Cynthia Villar, First Lady Lisa Araneta Marcos, Steven Tan ng SM At mga officers ng GSP. Nag-donate din ako para sa project nila.”
Dagdag pa ni Sir Joel, “Isa pa pala sa aking mga personal na paniniwala ay habang ako ay tumutulong sa mga tao na may sakit o may karamdaman, sa mata ng ating Panginoon ay matutuwa siya at lalo pa niya ako bibigyan ng mahabang buhay para marami pa akong matulungan.
“At sa paghaba ng aking buhay, mas matagal ko pa makakasama ang aking 8 anak na likas na mga bata pa sa ngayon.
“Gusto ko rin ipaalam sa lahat na ang pagtulong sa kapwa ay hindi lang sa pamamagitan ng pera. Ang taong walang pera ay makakatulong din sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa mga tao tulad ng mga bata o matatanda na kailangan ng pag-aaruga, kailangan ng kalaro, at kailangang subuan ng pagkain.
“Ang oras at pagmamahal na ibibigay natin sa kanila ay napakalaking tulong! Kaya kahit walang pera ay makakatulong pa rin tayo!”
Well, kaya pala isa si Sir Joel sa bukod na pinagpala ng ating Panginoong Ama sa langit dahil sa maganda niyang kalooban lalo na sa mga needy ones. Salute sa nag-iisang Joel Cruz! Mercy Lejarde