Home ENTERTAINMENT Joey Paras, nagparamdam kay Lovely!

Joey Paras, nagparamdam kay Lovely!

Manila, Philippines – Malapit sa isa’t isa si Lovely Abella at ang yumaong TV host-comedian na si Joey Paras.

Their friendship blossomed noong magkasama sila sa Sunday PinaSAYA.

Lovely could only relish fond memories of the late Joey dahil hindi raw ito naging maramot sa kanya when it came to helping her in going about their work.

October 29, 2023 nang binawian ng buhay si Joey sanhi ng heart disease.

He was 45.

Kuwento ni Lovely which she posted on her Instagram account, madaling araw na raw siyang natutulog.

Siya raw kasi ang nagbabantay sa anak.

Before retiring to bed, nabasa pa raw niya kung saan ang burol ni Joey at ang schedule when the remaains of his body would be cremated.

Sa kanyang pagtulog daw niya napaginipan ang kaibigan.

According to Lovely who shared her story with her husband ay nakausap niya si Joey somewhere.

Bunga daw ng huli sa kanya: “Gaaa, totoo bang patay na ako?”

At sinagot naman daw ni Lovely ng: “Oo, ma (she’d call him Mama Joey). Ang ganda nga, ma, kasi napapaligiran ka ng mga flowers!”

Sa punto na raw ‘yon niyaya ni Lovely si Joey na sadyain ang burol nito.

Upon arrival, napabulalas daw si Joey ng: “Oo nga, ma, ang ganda!”

Sa paglalarawan ni Lovely ay mukha naman daw masaya ang kaibigan sa kinaroroonan nito.

Dagdag post ng aktres, “Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin ng panaginip kong ‘yon, pero alam kong masaya siya!”

Inalam pa nga raw ni Lovely kung ano ang gustong ipasabi ni Joey sa mga kaibigang dadalaw sa kanya sa burol.

Sabi raw niya kay Joey: “Baka may gusto kang sabihin mamaya sa mga kaibigan mo na dadalaw sa iyo, sabihin mo sa akin at ako na ang magpaparating sa kanila.”

Hindi na raw nakuhang sumagot si Joey sa kanyang panaginip dahil nagising na siya.

Ilan sa mga natatanging pagganap ni Joey ay sa mga pelikulang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki at Last Supper No.3.

Sa bandang huli ng IG post ni Lovely ay nanghikayat siya ng taimtim na panalangin para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Joey. Ronnie Carrasco III

Previous articleTubig sa Baguio negatibo sa fecal coliform bacteria
Next articlePops, ok lsa pagiging tigang!