Home NATIONWIDE Joint energy commission pupulungin ni Tulfo; NGCP franchise rerebyuhin

Joint energy commission pupulungin ni Tulfo; NGCP franchise rerebyuhin

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Senator Raffy Tulfo nitong Linggo ang plano niyang pulungin ang Joint Congressional Energy Commission (JCEC) upang busisiin ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) franchise kasunod ng tatlong araw na blackout sa Western Visayas nitong buwan.

Kasunod ang anunsyo ni Tulfo ng umano’y pagpalya ng grid operator na tuparin ang responsibildad nito sa pagtitiyak ng matatag na power supply at pagpapahusay sa power grid ng bansa.

“It can be noted that said failure by the NGCP to maintain the stability of the grid led to the recent massive power outage in Western Visayas, which includes Panay Island,” anang senador, na siya ring Chairman ng Senate Committee on Energy.

Binanggit niya na ang consumers ang naaapektuhan ng karagdagang singil ng electric utilities bilang epekto ng blackout kamakailan.

Noong January 4, sinimulan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang imbestigasyon nito sa blackout mula January 2 hanggang 5 at nakaapekto sa mga isla ng Panay, Guimaras, at ilang bahagi ng Negros Occidental.

Samantala, ginisa ng mga mambabatas kamakailan ang NGCP sa pagpalya umano nitong makumpleto ang 37 transmission projects upang palakasin ang power grid ng bansa.

Sa Senate hearing noong January 10, inilahad ng local Western Visayas leaders kabilang sina Iloilo City Mayor Jerry Treñas na biltong piso ang nalugi sa lalawigan dahil sa power outage.

Bilang tugon, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na maaaring maghain ang mga opisyal ng Panay at Negros ng class suit laban sa NGCP at iba pang power firms upang mabawi ang nalugi sa kanila.

Samantala, sinabi ng NGCP na ang unscheduled maintenance shutdowns ng dalawa nitong energy providers ang dapat sisihin sa malawakang power disruption.

Gayundin, pinanindigan nito ang inisyal na tugon nito sa blackout, na sinabing nanatiling normal ang transmisyon sa unang dalawang oras ng blackout noong January 2. RNT/SA

Previous articlePalawan swak sa world’s most trending destinations ngayong 2024
Next articleCPP sa pahayag na wala nang aktibong NPA fronts: ‘Marcos is in dreamland’