Home NATIONWIDE Joint maritime patrol ng PH, China, tablado sa Senado

Joint maritime patrol ng PH, China, tablado sa Senado

198
0

Mistulang tinabla sa Senado ang panukalang magkaroon ng joint maritime patrol ang Pilipinas at China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) ngunit mas pupuwede pa ang joint relief efforts, ayon kay Senador Francis “Tol” Tolentino.

Sa interview, sinabi ni Tolentino na may posibilidad ang joint disaster teams mula sa Maynila at Beijing sa ilalim ng sinasabing humanitarian assistance and disaster relief (HADR), na pinagtibay ng ilang United Nations (UN) resolutions.

“Kung gusto nilang tumulong doon sa nabaha sa atin, payagan natin kasi mayroon naman pong U.N. resolution ito , ayon sa senador saka binanggit ang UN Resolution Nos. 46-182 at 58-114 bna kapwa nakasandig sa prinsipyo ng sangkatauhan, partiality at kalayaan.

“Ang kundisyon ko lang, kapag tumulong sila sa relief at disaster assistance [dito sa Pilipinas], payagan din tayong pumasok sa China,” ayon kay Tolentino.

Iginiit ni Tolentino, vice chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations stressed na masyadong mahirap tanggapin ng Pilipinas ang panukala ng Beijing na magsagawa n g bilateral patrol sa WPS dahil walang tratado ang China sa bansa tulad ng umiiral na mutual defense treaty sa Asian superpower.

“Kung magkakaroon ng joint patrol [kasama ang China], dapat po ito maging bahagi ng isang tratado na may concurrence ang Senado,” ayon kay Tolentino. Ernie Reyes

Previous articleBasura sa Manila Bay
Next articleSitwasyon ng ilang OFWs sa SoKor at Hong Kong pinatutukan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here