Home HOME BANNER STORY Joint patrol ng Pinas at Australia, idinaos

Joint patrol ng Pinas at Australia, idinaos

MANILA, Philippines – TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “closer defense  ties” sa pagitan ng Pilipinas at Australia habang ikinasa ng dalawang bansa ang kanilang joint patrol, araw ng Sabado.

“This inaugural Maritime Cooperative Activity and those that may follow are a practical manifestation  of the growing and deepening strategic and defense partnership between our countries,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa X (dating Twitter).

“This highlights  our shared commitment to supporting the rules -based international order and a more peaceful, secure, and stable Indo-Pacific reion,” aniya pa rin.

Inaasahan naman na magsasagawa ang Manila at Canberra ng maritime cooperative activity hanggang ngayong Lunes, Nobyembre 27.

Samantala, ang unang araw ng drills ay isinagawa sa katubigan ng Palawan.

“We endeavor to enhance bilateral interoperability in maritime security and domain awarenes; test doctrines, existing protocols and hance efficienc; and foster closer cooepration  between our countries’  armed forces,” ayon sa Pangulo patungkol sa joint patrol. Kris Jose

Previous articleTurismo prayoridad ng PBBM admin
Next articleTaas-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas!