Home NATIONWIDE Joint patrols sa WPS paiigtingin – AFP

Joint patrols sa WPS paiigtingin – AFP

MANILA, Philippines- Sa mga susunod na buwan, asahan na ang mas karagdagang joint patrol operations sa  West Philippine Sea (WPS) sa pagita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (INDO PACOM).

Ito ang inihayag ni AFP Chief, General Romeo Brawner Jr. nitong Biyernes, nang makipagpulong siya sa US generals at flag officers mula sa Capstone Pacific Program sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Ang Capstone ay five-week course para sa newly selected generals at flag officers saUS.

Base sa AFP Chief, nakatanggap siya ng commitment mula kay Admiral John Aquilino, commander ng US INDO PACOM, na padadalasin ang Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng dalawang pwersa.

“We are going to do those activities more; we will increase the frequency and its range,” wika ni Brawner.

“He [Aquilino] told me that he’s ready when we are ready,” dagdag ng military chief. RNT/SA

Previous articleBFP: Kaingin ihinto na kontra forest fire
Next article‘Illegal recruiter’ tiklo!