Jolo misecounter, ‘unfortunate incident’: Sec. Lorenzana

Jolo misecounter, ‘unfortunate incident’: Sec. Lorenzana

June 30, 2020 @ 8:28 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Itinuturing ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “unfortunate incident”ang nangyaring pagkasawi ng apat na sundalo sa Jolo makaraan silang mabaril ng mga pulis.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Sec. Lorenzana na nakalulungkot ang ganitong pangyayari.

Hindi naman na nagbigay ng karagdagang komento si Sec. Lorenzana habang gumugulong ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ng mga pulis sa dalawang opisyal at dalawang enlisted personnel ng Army.

Aniya, nagsasagawa na ng inquiry ang National Bureau of Investigation sa Zamboanga.

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni Interior Secretary Eduardo Año na imbestigahan ang insidente.

Sinabi naman ni Lt. Gen Carlito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, na marami ng bersyon ng insidente ang lumalabas ngunit nakatitiyak siya na walang palitan ng putok ang nangyari.

Anya, napatay ang mga sundalo sa loob ng kanilang sports utility vehicle nang hindi lumalaban. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...