Manila, Philippines – Kamakailan ay worried sick si Aiko Melendez dahil tatlong gabi nang hindi natutulog sa kanilang bahay ang panganay na anak na si Andrei.
Andrei is Aiko’s son by Jomari Yllana.
‘Yun pala’y ka-bonding ng bagets ang kanyang ama.
What’s so special about this father-son relationship is that Andrei shares the same passion as his dad’s.
Sa tatlong araw na walang uwian sa kanilang tahanan, ‘yun pala’y napasabak si Andrei sa racing competition.
Racing is something that Jomari encourages na karirin ng anak.
Nakikita rin naman daw kasi ng aktor-pulitiko ang potensyal ni Andrei.
Gusto lang linawin ni Jomari na hindi niya inimpluwensyahan ang anak.
But as much as possible, sana raw ay gawing professional na ni Andrei ang competitive racing at hindi lang basta hobby or pastime.
By professional racing, ang ibig sabihin ni Jomari ay kusa na raw lalapit ang mga mag-i-sponsor sa anak.
Katwiran niya, “Kung gagawin lang hobby ‘yon ni Andrei, napakamahal!
“So to get into competitive racing, he has to win. Walang iniwan ‘yon sa pag-e-endorse ng product, you’re like a model.”
Jomari lets Andrei be to the point na bahala raw ang anak to get his racing car ready.
Ang kanya lang daw ay gabayan ito, making sure that Andrei is going to the right direction.
Kung si Jomari ang tipo ng magulang who’s 100% supportive of his son, this cannot be said of Alko.
Naroon kasi ang takot ni Aiko dahil sa nakaambang panganib that comes with racing.
But as Jomari puts it: “Ganu’n talaga ang parents lalo na ang mga ina. Ronnie Carrasco III