Home ENTERTAINMENT Jonica Lazo, palaban sa hubaran!

Jonica Lazo, palaban sa hubaran!

Manila, Philippines – Aminado ang Vivamax sexy actress na si Jonica Lazo na liberated siya pagdating sa sex.

Hinggil naman sa paggawa ng sexy movies, palaban sa lampungan at hubaran ang hot na hot na dalaga na nagsabog ng alindog sa pelikulang Higop.

Wika ni Jonica, “I dont have limits po sa pagpapa-sexy. I think it’s not an issue naman po if I can show how much as I can po, eh.”

Dagdag pa niya, “Alam ko po ang pinasok ko na work. So, talagang ginawa ko na lang yung best ko at doon nga rin nagulat si direk dahil take one lang ang sexy scene namin doon. Ang akala nila ay matagal na ako sa Viva.”

Tampok sa pelikulang ito sina Angelica Hart, Josef Elizalde, at Fabio Ide, directed by Topel Lee.

Ipinahayag pa ng dalagang talent ni Jay Manalo na ipinasilip niya sa kanyang unang Vivamax movie, na streaming na ngayon, ang kanyang puwet at boobs.

“I don’t use plaster po kasi, ganoon din kasi eh, makikita rin naman nila lahat. So, why I should worry pa po, hindi ba? As much as I can po, I can do very daring scenes,” sambit pa ni Jonica.

Bakit Higop ang title ng movie nila?

“Higop po ang title ng movie because it’s about milk tea, shop po siya in the morning and then in the evening nagiging bar siya na ang mga babaeng nagwo-work as milk tea girls is ibinubugaw ng kanilang boss.”

Esplika pa ni Jonica, “Ako po si Ces sa movie na Higop, asawa ni Gene which is si Van Allen Ong. Naka-love scene ko po rito si Noah na ginampanan ni Josef Elizalde.”

Anong klase siyang lover?

“Sobrang sweet and caring po akong maging lover, lahat ibibigay ko talaga hanggang sa makakaya ko, para sa minamahal ko,” nakangiting sambit pa ni Jonica. Nonie Nicasio

Previous articleMga biktima ng bagyo sa S. Kudarat, inayudahan ni Bong Go
Next articleDMW OIC lilipad pa-Saudi sa pagpapabilis sa pagbabayad sa unpaid salaries ng mga OFW