Manila, Philippines – Si Jonila Castro, isa sa dalawang batang babaeng itinanim ng communist terrorist groups (CTGs) sa mga komunidad ng mga mangingisda sa Orion, Bataaan na nagkukubli bilang “environmental activists”, ay isang “hardcore member” ng New People’s Army (NPA).
Ito ang ibinunyag sa media nitong Huwebes ni Undersecretary Jun Torres Jr., National Secretariat Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Matapos iprisinta ang mga audio-visual ng NTF-ELCAC Integrated Communications Office Center (ICOC) sa simula ng pulong-balitaan, idiniin ni Torres na mismong si Castro ay umamin sa kanyang sulat-kamay na sinumpaang salaysay na apat na taon na siyang kasapi ng NPA na sumuko lamang noong Sept. 12, 2023 sa 70th Infantry Battalion ng Army na nakabase sa Bulacan.
“She (Castro) said she was an organizer then became a “hukbo”, which means an NPA combatant, then later went back again to the white area to organize. So, she performs in different capacities, notably as a semi-legal cadre,” pahayag ni Torres.
Sa isang pang video, sinabi ni Castro na siya ay nabibilang sa NPA Lino Blas Command at minsan pang napasama sa isang encounter laban sa tropa ng pamahalaan noong 2021 sa Pampanga. Inamin din niyang may mga napaslang sa kanilang hanay noon.
Sinabi rin ni Torres na si Castro ay nagsilbi ring recruiter ng NPA, handler at sumistema kay Jhed Tamano na tatlong buwan pa lamang sa kanilang hukbo bilang community organizer bago nila plinano ang kanilang pagsuko.
Sa kabila ng pagbaligtad nina Castro at Tamano sa kanilang sinumpaang salaysay, naniniwala si Torres na ang dalawa ay “biktima lamang ng terorismo” at ‘di titigil ang pamahalaan sa pagliligtas ng mga gaya nila sa kuko ng mga CTG.
Pinanindigan nito ang pahayag ng militar at kapulisan na sina Castro at Tamano ay hindi dinukot.
Inilahad naman ni Atty. James Clifford Santos, Associate Solicitor ng Office of the Solicitor General at taga-pagsalita ng NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster, na ang pagbawi ng testimonya nila Tamano at Castro ay isang “mockery of state policy.”
Dahil aniya, ang sworn statements sa harap ng isang abogado ng Public Attorney’s Office ay nasasaad bilang regularidad sa ilalim ng 1987 Constitution.
Maaari pa ngang naharap sa kasong perjury ang dalawa ayon kay Santos.
“(Their) immediate assertions of falsehood clearly has malice to humiliate the government, the Armed Forces of the Philippines, and the NTF-ELCAC,” paliwanag ni Santos.
Ang ginawa umano ni Castro, ay isang “demolition tactic”, para siraan ang pagsisikap ng pamahalaan at Task Force Balik-Loob”, sa mata at isipan ng publiko.
Ang mga abogado kasi ng mga CTG ay nagsasabing ang dalawa ay pinilit lamang gawin ang kanilang mga affidavit.
Taliwas ito sa matitibay na ebidensiya na nakikita sa mga video at larawan habang ginagawa at sinumpaang ng dalawa ang kanilang mga salaysay sa harap ng PAO representative na si Atty. Joper Bagay, at mga magulang ni Tamano na siyang nagtanong din sa dalawa kung kukuha pa sila ng pribadong mga abogado na kanilang tanggihan.
Maging si PAO chief Presida Acosta ay nadismaya sa pagbaligtad ng dalawa at sinabing maraminsilang kagaya na ginagamit lamang ang PAO sa kanilang pangsariling kapakanan.
Sa kabila nito, pinasalamatan ni Torres ang PAO at CHR C Region 3 sa pag-tulong sa NTF-ELCAC na maproseso ang pagsuko nina Castro at Tamano.
“The mother and step dad of Tamano were also there and a witness Reynante Bautista who if I am not mistaken is the mayor of Angat, Bulacan,” ang sabi pa ni Torres.
“What happened during the press conference on Sept.19, is unusual. With tremendous amount of good faith (on the part of government) to help these two young ladies (have new opportunities). We were betrayed. Even our legal system and the truth,” dagdag pa ng opisyal. RNT