Home METRO Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng M-4.5 quake

Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng M-4.5 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude-4.5 na lindol sa katubigan ng munisipalidad ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang pagyanig ng alas-8:51 ng umaga sa silangan ng munisipalidad ng Jose Abad Santos.

Inihayag ng state seismologist na mayroon itong depth of focus na 51 kilometers at tectonic ang origin.

Walang inaasahang pinsala sa imprastraktura o aftershocks batay sa information bulletin ng ahensya. RNT/SA

Previous articleNationwide Simultaneous Earthquake Drill kasado sa Marso 25
Next articleDerrick, sinagot ang isyung bading siya!