Home NATIONWIDE Jose Moises Salonga itinalagang LWUA administrator

Jose Moises Salonga itinalagang LWUA administrator

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Jose Moises Salonga bilang bagong Local Water Utilities Administration (LWUA) administrator.

Pinalitan ni Atty. Salonga si Homer Revil.

Nagtapos si Salonga sa Ateneo de Manila University noong 1999 na may degree sa Economics. Nakamit nya ang law degree mula sa kahalintulad na unibersidad noong 2003.

Kumuha siya ng Master in Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College, nagtapos noong 2017.

Nagsilbi naman si Salonga sa Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ng Philippine National Police, National Power Corp., Land Bank of the Philippines (LBP), First Farmers’ Rural Bank of Batangas Inc., Philippine Associated Smelting and Refining Corp., Office of the Executive Secretary, at PNOC-Renewable Corp.

Nagtrabaho rin siya para sa First Cabanatuan Renewable Ventures Inc., Emergence Management and Consulting Corp., at lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Si Salonga ang magti-take over sa operasyon ng LWUA, isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na dalubhasa sa lending function na minandato ng batas para i-promote at pangasiwaan ang development ng water supply systems sa mga lungsod ng lalawigan at munisipalidad sa labas ng Kalakhang Maynila.

Nilikha ito sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 198, mas kilalang rin bilang “The Provincial Water Utilities Act of 1973,” tinintahan upang maging ganap na batas noong Mayo 25, 1973.

Ang nasabing batas ay naglalayon din na magtatag ng Water Districts sa mga lungsod at munisipalidad sa mga lalawigan. Kris Jose

Previous articleCat at Sam, hiwalay na?
Next articleAnniv celebration ng EDSA People Power, manageable at generally peaceful – PNP