Manila, Philippines – Marami pa rin talaga ang abangers sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia.
As what people always say, laging mahaba ang pila. Proof na iba talaga ang charisma ng aktor.
Kaliwa’t kanan din ang pag-ship nila ng mga aktres kay Joshua. May Janella Salavador, Jane de Leon, Bella Racelis at marami pang iba.
But the real question is, sino ba talaga ang gusto ni Joshua? Or may gusto ba talaga siya?
Sinagot nga ‘yan mismo ni Joshua sa interview nito sa Cinemanews.
“Mas single and contented ako,” pahayag nito.
Meaning, he isn’t looking for a partner because kontento siya at iba ang priorities.
May mga project kasi aniya siyang kailangang tutukan at bukod dito ay hindi rin naman siya magaling mag-manage ng oras kaya mas mabuti pang maging single na lang.
“Kasi hindi ako magaling mag-manage ng time ko and alam ko baka masayang lang ang oras niya sa akin. Iba pa kasi priority ko ngayon, parang may sariling anak – focus muna sa goal,” said Joshua.
So netizens, walang pila. Hindi kailangang pumila kasi wala naman palang pipilahan. Iba ang priority ni Joshua sa ngayon.