Home ENTERTAINMENT Joshua, nag-level down sa lifestyle, nagbebenta ng big bike!

Joshua, nag-level down sa lifestyle, nagbebenta ng big bike!

293
0

Manila, Philippines – Ibinahagi ni Joshua Garcia na ibinebenta na niya ang kanyang mga mamahaling motorsiklo dahil hindi naman daw ito umaayon sa kanyang lifestyle.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga kailangan ni Joshua ang mga mamahaling motorsiklo dahil luho lang daw ‘yun at hindi nababagay sa kanyang pamumuhay.

Una ay hindi naman daw siya super rich at famous para magkaroon ng collection ng mga mamahaling motorsiklo.

Ngayon ay nagbago na ang kanyang pananaw sa buhay dahil mas gusto na niya ng simpleng lifestyle.

Pero marami pa rin namang celebrities ang nananatiling simple ang pamumuhay kahit mataas na ang estado at may malaking kinikita sa showbiz.

Sa isang panayam ay natanong si Joshua tungkol sa kanyang Triumph Bonneville T150 motorcycle.

Ipinost ni Joshua ang larawan ng nasabing motorsiklo sa kanyang social media account na worth P885,000.

“Wala gusto ko lang i-flex yung bike ko, bakit? ‘Yan ‘yun mga time na motorista pa ako,” pabirong say ni Joshua.

“Bumili ako ng Vespa, parang gusto ko ng motor na mukhang laruan. Parang gusto ko na nga mag-ride, eh, kaya lang wala pa akong time ngayon,” aniya.

Sabi pa niya, hassle raw ang pagkakaroon ng mga big motorcycles dahil hindi ka makasingit kapag maliit ang space na daan.

“Alam mo naman sa atin, napaka-traffic. So para siyang kotse, kung traffic, traffic talaga, nakatigil ka lang diyan sa tirik na araw, Siyempre, bumili ka ng biker na jacket na may mga proteksyon, ang init nu`n.”

Bukod sa Triumph Bonneville T150 motorcycle ay binebenta na rin niya ang kanyang Dodge Challenger car na ang halaga ay nasa P5 million.

Katuwiran niya ay mabigat daw kasing dalhin ang nasabing mamahaling kotse, “Bibili ka ng motor na maganda, hindi ko pala siya kailangan sa buhay ko. Sad.

“Ginamit ko lang pampapogi, hindi pala nakakaguwapo.” dagdag pa niya.

Pagdating sa kanyang lovelife ay wala pa rin siyang seryosong karelasyon. Ayaw na niyang magkamali muli ng mamahalin sa buhay.

Si Julia Barretto ang huling babaeng kanyang minahal pero hindi nagtagal ay nabalitang karelasyon na ni Gerald Anderson. Ador Saluta

Previous articleAbalos sa BSKE candidates: Magpa-drug test
Next articlePBBM sa publiko: Pinas handa sa pagtama ni ‘Mawar’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here