Home ENTERTAINMENT Joshua, pinagluto ang rumored jowa!

Joshua, pinagluto ang rumored jowa!

Manila, Philippines – Pagkatapos na matsismis noon sa dalawang Bellas: ang Fil-am singer na si Bella Poarch at ang TikTok sensation na si Bella Racelis, arangkada na naman sa pagiging matulis diumano sa babae si Joshua Garcia.

Noon kasing nakaraang buwan, nagkaroon ng espekulasyon na may bago nang dyowa ang aktor sa katauhan ng French-Filipina athlete na si Emilienne Vigier pagkatapos ng kanilang coordinated post sa Instagram kung saan nakita silang nagliliwaliw sa El Nido sa Palawan.

Pinag-usapan din ang pakili-kili post noon ng aktor na ikinonek naman sa Instagram story ng atleta.

Kamakailan naman sa kanyang Instagram story, pinasilip ng aktor ang pagluluto niya ng kanyang bersyon ng chicken at pork katsu sa kanyang cooking diary.

Kaso, napansin ng mga nagmamahadera na may katulong na kamay sa kanyang pagluluto.

Sa Instagram, may related post din tungkol sa pagluluto ang atleta na natsitsikang playing sweet music together noon with the actor.

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na magkasama ang dalawa during their cooking session.

Hirit naman ng kibitzers, handa na raw mag-asawa ang aktor kaya nag-aaral na itong magluto.

May mga nagmamaldita namang inuurot kung ano raw kaya ang magiging reaksyon ng ex nitong si Julia Barretto dahil never pang pinagluto ni Joshua ang isang babae.

Marahil daw ay espesyal ang atleta kaya handa itong pagsilbihan ni Joshua. Archie Liao

Previous articleGranada sumabog sa bahay ng ex-Comelec chair
Next article14 paaralang apektado sa Taguig-Makati dispute tuloy sa Agosto 29! – DepEd