Home ENTERTAINMENT JoWaPao, tumanggi sa offer ng TAPE!

JoWaPao, tumanggi sa offer ng TAPE!

Manila, Philippines – Wala talagang forever dahil maging ang matatag na show na Eat Bulaga ay nagpaalam na sa Tape Inc. at kinalaunan ay pati na rin sa GMA-7. Sa Facebook account ng EB nagpaalam sina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon.

Hinarang nga raw sila mag-live show kaya sa social media sila nagpaalam habang parang normal ang mga pangyayari sa TV dahil replay episode ang nakasalang.

Hindi maitatatuwa na marami ang nalungkot sa biglaang pamamaalam ng TVJ sa kanilang TV show na siyang pinakamatagal na umere sa telebisyon.

Pero hindi naman sila mawawala nang tuluyan sa ere. Mapapanood din sila sa ibang istasyon.

Diumano under negotiation ang lahat at kausap daw ng grupo si Mayor Albie Benitez ng Brightlight Productions para umere sa TV5.

Pero ang balita ay Dabarkads na ang magiging title nito at hindi na Eat Bulaga.

Samantalang agad namang naglabas ng official statement ang GMA-7.

“We are saddened by today`s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot.

“Together with all the Filipino fans, we pray for a month hand swift resolution of their issues.

“Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”

So, nangangahulugan na hanggang 2024 pa sa network ang programa.

Pero hanggang ngayon ay wala pang lumalabas kung sino ang magiging host o papalit sa TVJ kung magli-live na ulit sila.

Sa ngayon ay replay muna ang mapapanood na episode ng Eat Bulaga.

Diumano ay may offer daw ang TAPE, Inc. kina Paulo Ballesteros, Jose Manalo at Wally Bayola pero tinanggihan daw nila ito. Gerry Ocampo

Previous article2 tulak laglag sa sa Navotas buy-bust
Next articleDSWD: Food stamps program beneficiaries kailangang sumailalim sa DOLE, TESDA job programs