Home LOCAL BIZ Juday, nagpaliwanag sa paglayas sa Kapamilya!

Juday, nagpaliwanag sa paglayas sa Kapamilya!

110
0

Manila, Philippines – May gagawing serye si Judy Ann Santos outside ABS-CBN. Ito ang first time na gagawa ng serye si Juday sa ibang network.

Pero bago niya tinanggap ang offer, kinausap muna niya ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes. Ito ay biang respeto sa ABS-CBN dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng mga serye noon.

Sabi ni Judy Ann: “I called up Tita Cory para ipaalam lang sa kanya, para magsabi, ‘I’m gonna make a series outside ABS-CBN.’

“Ipinaalam ko nang maayos. Kasi alam mo yung pakiramdam na wala man akong existing contract with ABS-CBN, e, para naman akong namimindeho ng asawa.

“All my life, I’ve been doing all my teleseryes with ABS-CBN. Ito yung first time na gagawa ako ng hindi under sa kanila, so parang feeling ko lang, medyo nagi-guilty ako so kailangan ko sabihin.”

Sa tanong kung ano ang reaksiyon ng ABS-CBN management, sinabi ni Judy Ann na maayos ang usapan nila ni Vidanes.

“Oh, sobrang na-appreciate ni Tita Cory yung pagtawag ko sa kanya. Sabi niya, ‘Di naman kailangan, Juday, pero na-appreciate ko.’

“Ganu’n kasi ako, ayokong may nasasaktan ako along the way, especially when it comes to work.

“Feeling ko di worth it na may tao kang matapakan, para lang sa isang proyekto, para lang sa isang malaking talent fee or something.

“Not that I’m saying ang laki-laki ng talent fee ko. Hindi, a.

“Feeling ko lang yung respeto kailangag ibigay mo nang buo sa mga taong bumuo sa yo.”

Ipinaliwanag ni Juday na nag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN noon pang pinagbidahan niya ang dating serye niyang Starla. And since wala na siyang kontrata sa Kapamilya network, pwedeng na siyang gumawa ng serye sa iba. Rommel Placente

Previous articleProblema sa droga, ‘di ligtas na lansangan lumalala sa Marcos admin – sarbey
Next articleRoad alert: Isasarang daan, one-way ikakasa sa Mandaluyong