Home NATIONWIDE Judge sa kaso ni De Lima, inireklamo sa SC

Judge sa kaso ni De Lima, inireklamo sa SC

516
0

MANILA, Philippines- Nahaharap sa kasong administratibo sa Supreme Court si Muntinlupa RTC Judge Romeo Buenaventura dahil sa huli nang pag-inhibit sa pagdinig sa kaso laban kay dating Senador Leila de Lima.

Naghain ng reklamo laban kay Muntinlupa RTC Judge Romeo Buenaventura sa Judicial Integrity Board ng Korte Suprema sina Atty. Teddy Rigoroso, Atty. Joseph Leroi Garcia, at Atty. Rolly Peoro.

Ayon kay Atty. Cristina Yambot, legal counsel ng mga complainant, hindi naging patas si Buenaventura sa hindi agad pagbitiw sa kaso.

Paliwanag ni Yambot, mas tumagal sa loob ng kulungan si De Lima dahil sa hindi agad pag-inhibit ni Buenaventura sa pagdinig sa kaso.

Magugunita na kapatid ni Judge Buenaventura ang tumayong counsel ng isa pang akusado na si Ronnie Dayan sa congressional investigation.

Malaki aniya ang naging papel ni Judge Buenaventura sa pagtagal sa kulungan ni de Lima at sa pagtanggi nito na makapag-piyansa ang dating senador.

Sinabi ni Yambot na nabahiran na ang proseso dahil sa kanyang conflict of interest.

Una nang sinabi ni Buenaventura na hindi niya alam na tinulungan ng kanyang kapatid si Dayan sa paggawa ng affidavit at pagiging legal adviser noon ng namayapang Rep. Reynaldo Umali, ngunit ayon kay Yambot, imposible na hindi ito alam ng hukom. Teresa Tavares

Previous articlePulis sinaksak ng kawatan
Next article2023 COVID-19 mobile phone survey results isinapubliko ng DOH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here