Home ENTERTAINMENT Julia, kumambyo sa relasyon kay Coco!

Julia, kumambyo sa relasyon kay Coco!

Manila, Philippines – Ipinagtataka ng mga netizens ang biglaang pagtanggi ng Kapamilya actress na si Julia Montes tungkol sa relasyon nito sa primetime king na si Coco Martin.

Matatandaang inamin ni Coco sa isang panayam kay ABS CBN showbiz correspondent MJ Felipe na masaya sila ni Julia at 12 years na silang magkasama.

Sa panayam, nasabi pa ng actor-director na, “Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ito, ilang years na, 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin, gaya ng dati. Nilo-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ‘yung privacy sa buhay namin.”

Dagdag pa ni Coco, “Basta kami naman, hindi naman na kami mga bata. Kung ano siguro ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun. Mas masarap kasi ‘yung pribado ‘yung buhay eh, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami.”

Subalit sa panayam si Julia kamakailan lang sa  Push Live Bet ay inilahad niya na wala umano silang inamin ni Coco.

Sabi ng nag-interview kay Julia: “Since nai-publicize n’yo na po ‘yung relationship n’yo with Coco Martin…”

Sagot ni Julia: “Kailan?!”

Muling tanong ng interviewer kay Julia, “‘Di ba? A lot of people, you know, are celebrating your relationship with you. So, kumusta ba siya bilang partner?”

Sabi naman ni Julia: “Nag-announce ba kami? Wala naman.

“Happy lang ako sa life. Siguro ang masasabi ko lahat ng nangyayari po sa buhay ko, never kong ine-expect and never kong ini-imagine na ganu’n ‘yung mangyayari when it comes to… in general. Lahat. Sa work, sa life, sa uhm, paano ba, sa lahat ng mga dini-dream ko, more than pa sa nangyayari.

“So, wala. Super thankful lang and very happy. ‘Yun talaga, happiness.”

Hinala ng ilang netizens, may kinalaman ba ang pagdi-deny ni Julia sa posibleng pagka-comeback nito sa TV via Batang Quiapo?

Simula nang ideklara ni Lovi Poe na pansamantala muna nitong iiwan ang BQ para  harapin ang kanyang pagpapakasal sa boyfriend na isang Amerikano, namroblema ang  production kung sino ang kanilang ipapalit sa bakanteng role.

Matatandaang sa nakaraang eksena, malayang ibinigay ni Lovi (Mokang) ang sarili kay Chirstopher de Leon (Don Ramon) kapalit ng pagpapakasal nilang dalawa.

Sa episode na nabanggit, malamang na dito na rin tinapos ng serye ang partisipasyon ni Lovi o Mokang. Ador Saluta

Previous articleKooperasyon sa mga karatig-bansa makapagpapasigla ng ekonomiya – solon
Next articlePagtatakda ng archipelagic sea lane ng PH, hirit sa Senado