Manila, Philippines – Kahit isang taon lang si Baby Sylvio, masasabing the toddler already has an ear for music.
Si Baby Sylvio ay ang anak ni Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.
Eh, paano ba namang hindi magkakaroon ng tenga sa musika ang bagets, biritera ang ina?!
But the child knows kung ang pinakikinggan niya’y musika nga bang matatawag.
Viral ngayon ang video kung saan may bonding moment sina Julia Montes at Baby Sylvio.
Kung hindi kami nagkakamali, kuha ‘yon sa bakasyon nina Coco Martin at Julia sa Italy.
Nagkataong naroon din si Angeline with Nonrev and her son.
Sa video, makikitang Julia took a sitting position (nang walang inuupuang silya) facing Baby Sylvio para magka-level sila.
Once settled, binirahan na ng pag-awit ni Julia ng: “My toes, my knees, my shoulders, my head.”
With matching pagmumuwestra pa ni Julia using her hands.
Tahimik at seryosong nakatingin lang ang bagets kay Julia.
Pero nagpauna na ang aktres: “O, hindi ganoon kaganda ang boses ko tulad ng mommy mo, ha?”
Mukha namang naintindihan ni Baby Sylvio ang sinabi ni Julia na in fairness ay hindi naman sintunado.
But she didn’t sound like a professional singer either.
Hayun ang bagets, bigla na lang naglakad papalayo kay Julia!
Mapapansing ikinagulat din ‘yon ng aktres.
Maraming netizens ang naaliw sa viral video na ‘yon na in-upload din ni Angeline on her Instagram page.
In a sense, feeling napahiya ang mga netizens para kay Julia na todo effort pa manding kumanta pero lalayasan lang pala ng kinantahan niya! Ronnie Carrasco III