Home ENTERTAINMENT Julie Ann at Rayver, nagbigayan ng hikaw; fans, nabudol!

Julie Ann at Rayver, nagbigayan ng hikaw; fans, nabudol!

Manila, Philippines – Karaniwan nang nagbibigayan ng mga singsing ang dalawang tao who are madly in love with each other.

Napansin pa mandin ng mga tagahanga nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz na may hawak-hawak silang jewelry box.

Agad umandar ang radar ng mga fans at ikinatuwa ang pagbibigayan ng dalawa ng singsing.

But truth of the matter is, promo lang pala ‘yon ng ineendorso nilang Sep Vergara Fine Jewelry.

At sa halip na singsing ang ibinigay nila sa isa’t isa, hikaw!

Binigyan ni Julie Ann ng black diamond earrings si Rayver.

Dangling na hikaw naman ang ibinigay ni Rayver kay Julie Ann.

Take note of the caption: Julie Ann’s beau ang pagkakatukoy kay Rayver. GF naman ni Rayver ang paglalarawan sa aktres.

Bakit of all jewelry ay hikaw at hindi singsing ang ibinigay nila sa isa’t isa as a sign of their love for each other?

Hindi ba maliwanag na nabudol nila ang mga JulieVer fans?

Anyway, inaabangan ang kanilang first ever teamup on the wide screen via GMA Pictures’ The Cheating Game.

Balitang isasali ito sa Summer Film Festival which will kick off after Holy Week this April.

Suportado raw ang nasabing pelikula ng JulieVer fans here and abroad. Ronnie Carrasco III

Previous articleBagong BOC Commissioner, inanunsyo ng Malakanyang
Next articleMeeting ng Pinas sa mga kompanya sa Japan, umabot sa 200