Home ENTERTAINMENT Julie Ann, umatras kay Sarah!

Julie Ann, umatras kay Sarah!

321
0

Manila, Philippines – Halatang asiwa si Julie Ann San Jose sa terminong “lalaban” kung sabay silang magpe-perform ni Sarah Geronimo.

Binasa kasi ni Boy Abunda ang tanong ng isang netizen sa Limitless Star sa guesting nito sa Fast Talk nitong May 24, Miyerkoles.

Ayon sa netizen, si Julie Ann daw ang pambato ng Kapuso, willing daw ba itong lumaban sa Popstar Royalty sa isang pagtatanghal?

Dahil halatang ill at ease sa ginamit na salita ng netizen, ni-rephrase ito ni Boy.

Instead, Boy used the phrase “back to back.”

Ani Julie Ann, hindi raw siya lalaban o susuong sa isang showdown.

Pero nilinaw niya na isang malaking karangalang makasama niya sa isang pagtatanghal si Sarah.

Aminado si Julie Ann na: “I look up to her.”

Bilang patunay nga ng paghanga niya kay Sarah ay ibinahagi ni Julie Ann ang isang kuwento noon.

Years ago raw ay miyembro siya ng church choir sa isang simbahan sa Quezon City.

Nagkataon naman daw na sa malapit lang din doon nakatira si Sarah.

It was Julie Ann’s chance to see Sarah upclose and personal.

At kumusta naman ang reaksyon ni Julie Ann?

Pag-amin niya: “Nagpaka-fangirl ako!”

Huwag nang gayahin nina Sarah at Julie Ann ang mga bida sa Bituing Walang Ningning na ginampanan nina Sharon Cuneta at Cherie Gil.

Kung meron mang kumpetisyon sa pagitan nina Sarah at Julie Ann, it’s a healthy one. Ronnie Carrasco III

Previous articleMalaking bahagi ng Guam, walang kuryente, walang tubig sa bagyong Mawar
Next articleP18.3B calamity fund, nakahanda sa Super Typhoon Mawar – DBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here