Home ENTERTAINMENT JulieVer, may death threat, nagpa-NBI!

JulieVer, may death threat, nagpa-NBI!

354
0

Manila, Philippines – No doubt, natagpuan na nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz ang “the right one” sa katauhan ng isa’t isa.

Proof that both are welcome to each other’s family ay ang salitan nilang presence sa mga family gatherings.

Sa ika-29 na kaarawan ng tinaguriang Limitless Star, nakasama niya sa pagdiriwang ang pamilya ni Rayver.

The birthday girl was joined by Rayver’s brother Rodjun and wife Dianne Medina.

Maging ng nagdaang Holy Week at Easter, naging bahagi rin si Julie Ann ng pamilya ni Rayver.

Mainit din ang pagtanggap kay Rayver ng partido ng Kapuso actress.

Kunsabagay, kung gusto mong suyuin ang minamahal mo, the key there is to endear yourself to the family of the one you love.

Ito rin kasi eventually ang magiging kakampi mo pag nagkaroon kayo ng ‘di pagkakaunawaan ng taong mahal mo.

But not everybody seems happy and approving of any relationship no matter how smooth-sailing.

May mga tao pa ring sa halip na maghangad na lalong maging masaya ang dalawang taong nagmamahalan, they’re out there to destroy them.

Mabuti sana kung gusto lang ng mga taong ‘yon na magkasira o magkahiwalay ang magkasintahang ‘yon.

Sa kaso nina Julie Ann at Rayver, nothing can be worse na yata than wanting to see them dead.

Yes, ganoon katindi ang haters ng magnobyo to the point na gusto silang iligpit as in erased from the face of the earth.

Hindi nga ba’t the height na ‘yon ng pagkasuklam nila sa JulieVer loveteam as if malaki ang atraso nito sa kanila?

Para makatiyak ng kanilang kaligtasan, nagpasya sina Julie Ann at Rayver na idulog na ‘yon sa NBI.

Nasa proseso na ngayon ang mga awtoridad sa pagte-trace ng pagkakakilanlan ng mga taong nagbabanta sa buhay ng Kapuso loveteam.

Hindi nga naman isang laughing matter na dapat ipagwalang-bahala ang death threat na ‘yon.

Kaya kung inaakala n’yong sa pulitika lang merong pagbabanta sa buhay, puwes, sa showbiz din! Ronnie Carrasco III

Previous article3 big-time drug traffickers, arestado sa P3.1M shabu bust sa Calamba City
Next articleManila Post Office nilamon ng mala-impyernong apoy!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here